November 2nd, 2008
Minsan hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko talaga mangyari sa buhay ko. sa ngayon kuntento naman ako sa takbo ng buhay ko..tahimik, nagagawa ko ang gusto ko, walang bumabawal sakin at wala din akong iniintinding problema. pero sa kabila ng lahat ng iyon para bang may kulang pa rin. yun ay mag isa lang ako dito..may mga kaibigan ako na hindi ako kinekwestion..yung tipong walang pakielamanan kahit ano pa ang gawin ko sa sarili ko masama man o mabuti. Nandyan lang sila at nagkakasiyahan naman kami sa tuwing nagkakasama kami. masaya ako oo. hindi naman sa naghahanap pa ako ng higit pero iniisip ko lang kung ganito na lang ba ang takbo ng mundo ko. o hanggang kelan ba na ganito na lang ako. sinusubukan kong maghanap at tulungan ang sarili ko halimbawa na ilagay ang buhay ko sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon at kalimutan na ang lahat ng naiwan at iniwan ko o yung nakasanayan ko para masanay na din ako sa buhay dito pero hindi ko naman magawang kalimutan at itapon na lang lahat, ang dali sabihin na kalimutan ko nalang ang lahat pero hindi ko naman magawa. bumabalik pa rin ako sa nakasanayan ko..hindi man ganun kabigat tulad ng dati syempre nabago na din ang takbo ng isip ko ngayon sa tagal na napalayo na ako sa buhay ko dati pero bakit sa kabila ng lahat parang kinoconsidera ko pa rin na pwede ko pa balikan ang nakaraan. kung wala na talaga sakin yon dapat hindi na ako naapektuhan at hindi ko na binibigyan ng tanning kung ano man ang ginagawa ko dito diba.. iniisip ko na siguro kulang lang ako sa atensiyon at wala kasing nag bibigay sakin nun..kung meron man..hindi naman seryosohan. yung pag aalaga sakin na natamasa ko nung nandun pa ako sa dati, yun naman ang malaking kulang sakin ngayon kung saan ako naroroon. kaya siguro iniisip ko pa at cinoconsidera doon dahil yung hinahanap ko na butas na yun ang mahalaga talaga sakin...siguro kung mapuno yun dito baka pa siguro talagang makukuntento nako kahit na dito na lang ako mamalagi at hindi ko na babalikan yung buhay ko noon o hahanapin pa yung kulang na yun sa buhay ko. ang masaklap talaga ay hindi ko makuhakuha yun dito. hindi ako sigurado na siya ba ang gusto kong balikan o gusto ko lang yung pakiramdam na binigay niya sakin na kung mabibigyan ng pagkakataon na maramdaman ko pa iyon kahit na sino pang tao kahit hindi na siya ay matatahimik na kaya ako at sasaya na napunuuan na yung butas na yun sa buhay ko ngayon? kung kaya napapaisip ako ngayon..siya ba tlga ang gusto ko? o gusto ko lang na merong nandyan para sakin? kung babalikan ko man yung noon ay para sa kanya ba? na dahil siya talaga ang gusto ko makasama o kung may dadating dito sa kinaroroonan ko ay hindi na siya ang hahanap hanapin ko at tuluyan na akong makakalimot. kelangan ko lang talaga malaman kung bakit hindi ko matanggap sa sarili ko na dito na ako at wala nang balikan pa.